Una sa Balita

Sanofi kasuhan na

0 1,535

Pinakakasuhan na ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, sa legal department ng ahensiya ang French firm na Sanofi Pasteur na gumawa ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi ni Duque na ipi­nag-utos na ang pagsa­sampa ng class suit laban sa Sanofi Pasteur.

Ang hakbang ay ginawa ng kalihim kasunod ng paninindigan ni Thomas Triomphe, pinuno sa Asia Pacific Region ng Sanofi Pasteur, na pagtanggi sa kahilingan ng DOH na isauli o i-refund ang buong P3.5 bilyong halaga ng mga nagamit na doses ng Dengvaxia.

Nalaman na natanggap ni Duque ang liham ni Triomphe na nagsasa­ad ng pagtanggi nito na isauli sa pamahalaan ang P1.6 bilyon at maglaan ng indemnification fund na maaaring gamitin ng mga naging recipient ng Dengvaxia.

Sinabi ni Duque na nakakalungkot na itinago ng Sanofi Pasteur ang mahahalagang impormasyon hinggil sa panganib ng Dengvaxia at isinapubliko lamang ng French firm matapos na maibakuna sa 837,000 na mag-aaral.

Nalaman na walang ibinabang warning ang Sanofi Pasteur bago ito ibi­nakuna sa mga bata.

Gagawin umano ng DOH ang lahat ng legal na paraan para mapa­nagot ang Sanofi. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy