Una sa Balita

Sangley ‘di sapat sa airport traffic Bulacan, Clark kailangan din — Tugade

0 362

Hindi kakayaning mapaluwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung Sangley Air Base lamang ang bubuksan para sa commercial acti­vity, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

“Alam n’yo ho let us disabuse our mind, that the Sangley alone will, you know, decongest NAIA Terminal 1, 2, 3 and 4,” pahayag ni Tugade sa panayam ng Radyo Pilipinas noong Biyernes.

Sinabi ni Tugade na maraming paraan upang mapaluwag ang apat na terminal ng NAIA bukod sa paglilipat ng mga domestic flight sa Sangley.

“Ito ho ay samo’t-saring mga pamaraan upang ma-decongest ang Metro Manila at ang NAIA Terminal 1, 2, 3 and 4,” ani Tugade.

Aniya, bukod sa Sangley ay tinitingnan na rin nila ngayon ang Clark Airport sa Pampanga at ang proyektong paliparan sa Bulacan.

“Kaya nga nandidiyan iyong sinisipat natin iyong Bulacan Airport na inaasam-asam namin na magkaroon na ng tinatawag na Swiss challenge at ma-ground break before the end of this year,” ani Tugade.

Samantala, inihayag din nito na kasalukuyan na nilang tinatapos ang ferry station na sasakyan ng mga pasahero mula NAIA patungo sa Sangley pero kinukunsidera rin nila ang paggamit ng mga Point-to-Point bus.

“At habang ginagawa iyan, iyong plano po ng Department of Public Works na magkaroon ng connector’s road eh ginagawa ho iyan,” pahayag pa ni Tugade. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy