Una sa Balita

Sangley Airport gamitin ASAP!

0 613

ILILIPAT na sa Sangley airbase sa Cavite ang lahat ng domestic flight para mabawasan ang matinding pagsisikip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos imungkahi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Pangulo na gamitin ang Sangley airbase bilang alternatibo para sa lahat ng domestic flight.

Inireport ni Tugade sa Pa­ngulo na sinimulan na ang tes­ting ng mga ferry mula Mall of Asia hanggang Sangley na aa­butin lamang ng 18-24 minuto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iniutos na ni Pangulong Duterte na simulan agad ang operasyon para mabawasan ang matinding problema ng pagsisikip sa pa­ngunahing paliparan sa bansa.

“The President directed the operations in Sangley Point to start immediately,” ani Panelo.

Nais aniya ni Pa­ngulong Duterte na pangasiwaan ng militar o civilian force ang airport security sa Sangley para sa operasyon ng mga domestic flight.
Sinabi ni Panelo na inihahanda na ni Tugade ang isang exe­cutive order para sa plano at nasa Presidente na kung aaprubahan agad ito.

“On security concerns, President Duterte prefers that airport security be handled by a single entity, either from the military or civilian force,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy