Una sa Balita

Sangkot kasi sa sapakan Nabong tinapon uli sa NorthPort

0 321

ITINAPON na ng San Miguel Beermen pabalik sa NorthPort Batang Pier ang forward na si Kelly Nabong.

Matatandaang involved o sangkot sa nangya­ring sapakan sa ensayo ng San Miguel si Nabong nitong Nobyembre maging sina Arwind Santos, Ronald Tubid at napatalsik na import na si Dez Wells.

Ayon sa ilang source, binitiwan na ng San Miguel ang madaling mag-init ng ulong si Nabong.

Kapalit ni Nabong sa trade si Russel Escoto.

Pangatlong pagkakataon ito ni Kelly na maglalaro sa NorthPort habang magsisilbing ma­laking break naman ito kay Escoto, na bahagi ng 2016 PBA Draft sa espesyal na Gilas round.

Galing si Escoto sa knee injury at naglaro muna sa Columbian bago ipinamigay ang 27-anyos na produkto ng Far Eastern University sa NorthPort noong Agosto.

Sa panig ni Nabong, nag-average ang 31-taong-gulang na 6’6” big man ng 4.1 puntos at 4 rebounds kada laro sa Governors Cup para sa Beermen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More