Una sa Balita

Sangkatutak na meme ikinalat: Akting ni Angel pinaglaruan ng mga fan

0 1,008

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPuwede na ngang tawaging “Queen of Memes” si Angel Locsin dahil pinagtripan na naman ng kanyang mga fan ang isang emotional scene niya sa umeereng serye niya, ang “The General’s Daughter.”

Pinoste ni Angel ang dalawang part ng magkaibang meme ng pareho niyang mga scene na ginawang photo. Sa halip na mainis o mayamot si Angel, ikinatuwa pa nito ang pagti-trip sa kanyang eksena.

@therealangellocsin, “Yung pinagtripan nyo na talaga yung pinaghirapan naming scene para sa mames noh? Naku naku naku kayo talagaaaaa…Kung ano-anong nakikita kong memes para sa scene n to, lol!

“Well, if you can’t beat them, join them, ika nga nila so, eto…basagin ang sarili.  Eto po yung mga pinaggagawa ho nila sa akin.! Share ko dito yung iba. Enjoy guys!”
Ang ilan sa mga memes ay…

“Yung nakabook ka na pero di ka pinayagang mag-leave”, “Yung ayaw mong maligo kasi malamig, kaya iiyak mo nalang” , “sinabi kong hindi ako yung umutot eh”, “yung ang dami mong ni-review pero ni isa wala pala sa exam.”

Sa part 2, may iba pang emotional scene si Angel na mas matindi ang memes…

“Yung taeng tae ka na ngunit stranded kayo sa may edsa”, “yung feeling na hiniwalayan ka February 13 pa talaga.”

 Andi hindi ikinahihiya ang nakabuntis sa kanya

Ibinalandra na nga ni Andi Eigenmann ang kanyang pagbubuntis, pati na ang tatay ng baby niya na isang surfer, si Philmar  Alipayo. Sa latest post ni Andi sa bakasyon nila sa Bali, Indonesia, makikita na ang umbok niyang tiyan.

Sa message ay sinabi niyang nina­namnam niya ang kanyang pagbubuntis sa pagkakataong ito. Sinabi nitong niya­yakap niya ang pagbubuntis ‘di gaya noon sa kanyang unang pregnancy na itinago niya ito hanggang sa kanyang panganganak.

Ayon pa kay Andi, walang dahilan para hindi siya maging proud sa pagbubuntis ngayon dahil nakapagpalaki siya ng isang napakagandang anak na si Ellie.

Sabi pa niya, sa pagkakataong ito isang seleb­rasyon para sa kanya ang pagdadalantao at sa naiisip niyang muli siyang makakapagpalaki ng isang anak.

Pinasalamatan ni Andi si Ellie sa pagtuturo ng lahat sa kanya, sa panibagong journey na haharapin nya.

Sa huli, binanggit nito si @chepoxz na IG name ng boyfriend niyang si Philmar at si Ellie na siyang support system sa pagbubuntis niya ngayon.

Sumuporta sa kanyang pagdadalantao ang mga kaibigan na sina Jake Cuenca, Rachel Peters at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy