Una sa Balita

Sangkatutak na jellyfish sumalakay sa Australia

0 221

SINALAKAY ng sangkatutak na bluebottle jellyfish ang beach ng Queensland, Australia at kinagat ang libo-libong kataong naliligo kaya’t ipinasara ito sa publiko.

Ayon sa mga awtoridad, uma­bot sa 2,600 katao ang kinapitan ng galamay ng dikya kung kaya’t nilapatan ito ng lunas.

Bagama’t masakit makapitan ng galamay ng bluebottle jelly­fish, hindi naman ito nakamamatay.

Nagagamot ang kagat ng bluebottle jellyfish sa pamama­gitan ng yelo o mainit na tubig. Pero marami sa kinagat ay nagpanik nang dumulog sa mga paramedic.

Sinasabing ang malakas na hangin ang siyang nagtaboy sa mga dikya para mapadpad sa dalampasigan ng Queensland.