Una sa Balita

Sanggol positive sa COVID

0 744

Naitala sa Calapan City, Oriental Mindoro ang tinuturing na pinakabatang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Unang kaso rin ito sa nasabing lalawigan kung saan ang pasyenteng sanggol ay isang taon at siyam na buwang gulang pa lamang,

Kinumpirma ito kahapon, Biyernes, ni Oriental Mindoro Governor Humerlito `Bonz’ Dolor

Ayon kay Dolor, bumiyahe ang sanggol kasama ang magulang sa Alabang, Muntinlupa City noong Marso 5 hanggang 2 kaya posibleng doon nito nakuha ang virus.

Isinailalim na umano sa confirmatory test ang sanggol sa hiling na rin ng gobernador.

“Dahil siya ay napakabata pa at upang siguraduhin pang lalo humiling ako sa DOH [Department of Health] na muling ipasuri (confirmatory test) ang kanyang specimen at ito naman ay kagyat na pinagbigyan,” pahayag ni Dolor sa kanyang Facebook post nitong Biyernes.

Bukod dito ay sumailalim din sa test ang mga guardian ng bata habang patuloy ang isinasagawang contact tracing ng Provincial Health Office ng Calapan City sa mga nakasama ng bata.

Sa panayam ng isang himpilan ng rady bago magtanghali kahapon, sinabi ni Dolor na nagtatrabaho sa isang mall sa Alabang ang ina ng sanggol. Wala naman umanong nakitang sintomas ng COVID-19 sa ina ng sanggol.

Ang Oriental Mindoro ay isang lalawigan sa southwestern Luzon na sakop ng ipinatutupad na enhanced community quarantine. (Edwin Balasa/Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More