Una sa Balita

Sanggol nakita sa basurahan sa Baguio

By
0 550

NATAGPUAN ang bangkay ng isang sanggol na nakalagay sa basurahan sa Burnham Children’s Park (BCP) sa Kisad Road, Baguio City kamamakailan.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), base sa salaysay ng isang garbage collector, nangongolekta siya ng mga basura para ilagay sa truck sa nasabing park.

Nang nasa aktong itatapon na niya ang laman ng garbage bin, dito tumambad ang isang plastic bag at laking gulat niya nang buksan na isang sanggol ang laman.

Ang sanggol ng lalaki ay nakabalot sa itim na black na tela. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa Tourist Police Unit ng BCPO Station 7.

Sinabi ng police investigator na maaa­ring nilinis ng nagtapon ng sanggol ang lugar na pinagtapunan dahil walang anumang dugo na makikita sa labas ng nasabing basurahan.

Ang bangkay ng sanggol ay dinala sa Baguio Cathedral Church (BCC) bago idiniretso sa Baguio Memorial Chapel sa Naguilian Road sa nasabing siyudad para iayos ang libing.

Ayon sa BCPO, gagawa sila ng autopsy request para malaman ang posibleng resulta at oras ng pagkamatay ng nasabing sanggol.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More