Una sa Balita

Sangalang vs Belga: Tuloy ang balyahan

0 282

KARIBAL

Semis Game 2 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30 pm – Rain or Shine vs. Magnolia

INAASAHAN ni Ian Sangalang ang mas pisikalan pang Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Sa opener noong Biyernes sa Big Dome din, kumasa na si Magnolia big man Sangalang sa pambabarako ni Rain or Shine enforcer Beau Belga.

Nagkapormahan at nagsagutan ang dalawa bago natapos ang 84-77 win ng Elasto Painters.

Nagkapisikalan habang naggigitgitan sa isang rebound play, hindi na nakapagpigil si Sangalang.

Pumagitna ang refe­ree para paghiwalayin ang dalawa, pareh
o silang nabigyan ng technical foul.

“Kasi ilang beses niya ako tinamaan,” pahayag ni Sangalang, tumapos ng 13 points at 5 rebounds. “Hindi ko alam kung sinasadya niya o ano.”

Pero wala na raw ‘yun kay Sangalang, paghahandaan na lang nila ang Game 2.

Kahit mas pisikal pa. Pero wala daw siyang balak gumanti.

“Basta ako, laro lang ako. Tignan natin sa Game 2 kung ano pang p’wede niyang ibigay. Okay lang, tatanggapin ko,” aniya.

Ipinagkibit-balikat lang ni Belga ang insidente, bahagi lang daw ‘yun ng intensidad ng laro. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy