Una sa Balita

Sangalang pasalamat sa pambubuyo ni Pingris

0 258

AYAW pumasok ng mga tira ni Ian Sangalang sa first half, pero hindi nasiraan ng loob ang Magnolia big man.

Sa pambubuyo ni injured Marc Pingris, tinu­loy lang ni Sangalang ang laro at pagdating ng fourth quarter, siya na ang nag-take charge.

Nilista ni Sangalang ang 12 sa kanyang team-high 16 points sa final 12 minutes para bitbitin ang Hotshots sa 85-74 win kontra Rain or Shine Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Luhod sa first two games ng PBA Philippine Cup semifinals, naidikit ng Magnolia ang series sa 2-1.

“I just stayed positive. Nag-respond ako sa mga teammates ko na patuloy na naniniwala sa akin,” ani Sangalang. “Thankful ako kay kuya Ping na talagang tinulak ako at nagbigay ng guidance.”

Umiskor sa jumper si Sangalang para basagin ang huling deadlock na 71-71.
Pagkatapos ng 3 ni Justin Melton, nanindak pa ang Elasto Painters­ 76-74 sa three-point play ni Javee Mocon.

Pero hindi pa tapos si Sangalang, tinuhog ang anim na sunod na puntos sa pamatay na 8-0 finishing run ng Hotshots para selyuhan ang panalo.

“Nakabalik lang kami pero lamang pa rin sila sa series,” pakli ni coach Chito Victolero. “Ang maganda lng dito is we have a chance. At least kahit paano naka-one win kami.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy