Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sangalang napiling Player of the Week

0 148

MALAKING papel ang ginampanan ni Ian Sangalang sa dalawang panalo ng Magnolia sa Alaska at Ginebra nitong July 19-25 sa Ynares Sports Arena-Pasig.

Nagsumite ang 6-foot-7 frontliner mula San Sebastian ng 21.5 points sa 18 of 36 shooting, 4.0 rebounds at 1.0 steals sa dalawang panalong ‘yun para itanghal na PBA Press Corps Player of the Week.

Sinilaban ng dating NCAA MVP ng 26 points ang Aces tampok ang game-winner nang itakas ng Hotshots ang 84-82 panalo noong Miyerkoles.

Sa Manila Clasico makalipas ang apat na raw, hindi nabahag si Sangalang sa twin towers ng Gin Kings na sina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Umatake sa loob si Sangalang at tumapos ng 17 points, 3 rebounds at tig-isang steal at block para ihatid ang Magnolia sa 89-79 win.

Sa ikalawang sunod na season, walang tao sa venue nang sumiklab ang Clasico dahil sa pandemic.

“’Di lang nakikita ng iba, but on our team, we consider (Sangalang) as, kumbaga, franchise (player) na doon sa middle,” ani coach Chito Victoler matapos rumatsada ang Hotshots sa 3-0 record sa PBA Philippine Cup.

“We want Ian to be our anchor on defense and offense.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.