Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sangalang napiling Player of the Week

0 92

SI Ian Sangalang ang nagtimon sa Magnolia nitong nagdaang linggo ng tatlong bakbakan sa PBA Philippine Cup.

Hindi nagpatinag ang 6-foot-7 lefty kina Arwind Santos ng NorthPort, Christian Standhardinger at Japeth Aguilar ng Ginebra, at kina June Mar Fajardo at Mo Tautuaa ng San Miguel.

Nakapagsumite si Sangalang ng halos double-double averages na 16.0 points, 8.7 rebounds, 1.3 blocks at 1.0 assist sa tatlong laro nang mag-2-1 ang Hotshots tungo sa 2-3 overall.

Kontra Gins, absent sina veterans Rafi Reavis at Paul Lee (back) at ejected pa si Calvin Abueva sa kaagahan ng fourth pero bumandera si Sangalang, kasama si Jio Jalalon, para ipreserba ang 89-84 win.

Nanalo ang Magnolia sa Batang Pier 80-77, kinapos sa Beermen 87-81, bago ipinagpag ang Gins.

Sa Manila Clasico, nagsumite si Sangalang ng 24 points, 9 boards, 2 blocks.

Sa mga kabayanihang ‘yun, si Sangalang ang tinanghal na Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week (June 15-19). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.