Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sangalang abot langit iginaling

0 170

Hindi man napapansin ng iba, ipinarating naman ni Magnolia head coach Chito Victolero ang ipinapakitang improvement at husay ni big man Ian Sangalang para sa Hotshots.

“Malaki na talaga ‘yung na-improve ng game niya, hindi lang sa game niya but also the maturity, ‘yung preparation niya, kasi alam niya talaga na malaki ‘yung role niya,” litanya ni Victolero mula sa ulat ni Rey Joble ng PBA Rush.

“I’m very proud kay Ian. ‘Yung nag-start akong mag-coach dito sa Magnolia, ang laki ng improvement niya, sobrang taas ng nilalaro niya. He has established himself as one of the best big men in the PBA. Hindi lang siguro nakikita ng iba, but in our team, we considered him as our franchise player in the middle. We want Ian to become our anchor sa depensa at opensa sa poste.”

Ngayong 2021 PBA Philippine Cup, may average si Sangalang ng 16.75 points at 4.75 rebounds per game para sa Hotshot na may 4-0 win-loss record.

Kasalukuyang naka-suspinde ang mga laro ng PBA bilang pagsunod sa direktiba ng gobyerno ngayong tumataas muli ang COVID-19 Delta variant infections. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.