Una sa Balita

Sandy negatibo sa COVID-19: Christopher de Leon pinalabas na ospital

0 838

Good news, at marami ang natuwa sa balita na pinalabas na ng ospital ang award winning actor na si Christopher de Leon.

Kinumpirma ni Tita Lolit Solis, manager ni Boyet, na nakalabas na nga ng ospital ang kanyang alaga. Pero, tulad din ng ibang tao na naging positibo sa COVID-19, kailangan pa rin ni Boyet na dumaan sa 14 araw na pagku-quarantine.

Sabi pa ni Tita Lolit, mas nag-aalala pa raw si Boyet sa kundisyon ng misis niyang si Sandy Andolong, na mahina nga raw ang immune system, dahil sumailalim nga raw ito sa kidney transplant noon. Pero, masaya rin ang lahat dahil kahit si Sandy ay negtibo rin sa COVID-19.

Heto pa ang kuwento ni Tita Lolit kay MJ Felipe, ang reporter ng TV Patrol.

“Meron pa rin siya. Kasi may sipon pa siya, pero maganda kasi yung recovery (signs) niya kaya pinauwi na siya kaya dapat naka quarantine pa rin.”

Well, dasal nga ng lahat n asana ay magtuloy-tuloy ang magandang kundisyon ni Boyet. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More