Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sandra Lemonon binantaang papatayin

0 140

Hindi pa rin matapos-tapos ang isyu sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020, na si Rabiya Mateo ng Iloilo nga ang nagwagi. Sinimulan ito ni Miss Taguig Sandra Lemonon na ang paandar niya ay may “big news” daw siya, pero hanggang ngayon ay wala naman.

Buti na lang ang dedma na si Miss U Philippines 2020 Rabiya Mateo, at naka-focus siya sa kanyang goals.

Anyway, ang bagong chika nga ni Sandra ay may mga death threat siya.

“I have death threats and people telling me I’m stupid and etc. When all I want is to protect us girls & have fair treatment. Hai…” sabi ni Sandra.

Siyanga pala, sakto ang handog ng iWant TFC streaming service para sa mga gusto pang makikilala ang candidates ng pageant – ang “Miss Universe Philippines: Ring Light Series” na napapanood na ngayon.

Mapapanood ang behind-the-scenes footage ng mga kandidata, kabilang na ang naging preparasyon nila para makuha ang korona.

Kaya habang inaantay ng lahat ang announcement ni Sandra, tutukan muna ang palabas ng iWant TFC. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.