Una sa Balita

Sandra Cam pinalalayas sa PCSO ng 48 kongresista

By
0 2,875

PINAGBIBITIW ng mga kongresista bilang board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Sandra Cam.

Sa pamamagitan ng inihaing House Resolution 1777 (Resolution expressing the sense of the House demanding the immediate resignation of Sandra Cam and the initiation of contempt proceedings against her), iginiit ng mga kongresista na dapat ng mag-alsa-balutan sa puwesto si Cam bunsod ng diumano’y hindi kanais-nais na pag-uugali nito.

Ang nasabing reso­lusyon ay inihain nina Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, House Minority Leader Danilo Suarez at Surigao del Norte Robert Ace Barbers na siyang chairman ng House committee on dangerous drugs.

Umaabot sa 48 kongresista ang lumagda at inaasahang madaragdagan pa ang susuporta sa HR 1777 na nananawagan din na maipa-contempt si Cam.

Matatandaan na nagsagawa ng pagdinig ang House committee on games and amusement nitong Pebrero 28, nga­yong taon hinggil sa ­operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Uminit ang usapin dahil ginagamit diumanong pronta ng jueteng ang STL at sa nasabing committee hearing ay pinagbintangan ni Cam si Teves.

Ayon kay Cam, operator ng pasugalan si Teves sa lalawigan nito.

Hinamon naman ng solon si Cam na patuna­yan ang bintang.

Iginiit ni Teves na kung hindi mapapatunayan ni Cam ang paratang ay mas ma­buting mag-resign na lamang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy