Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sandoval, Angels umeskapo

0 67

NADISKARIL ang no-hitter sana ni Los Angeles Angels pitcher Patrick Sandoval nang matsambahan ng soft double ni Minnesota Twins rookie Brent Rooker sa ninth inning ng MLB game Sabado.

Naka-strike out ng career-high 13 ang 24-year-old lefty na si Sandoval sa 2-1 panalo ng Angels.

Bokya sa hit ang Twins hanggang lumagutok ang bat ni Rooker at lumipad ang bola sa bandang kanan ng field bago bumagsak sa loob lang ng linya.

Related Posts

Nangiti si Sandoval paglapag ng bola, ni-retire ang sumunod na batter bago inilabas makalipas ang 108 pitches.

Nagbigay ng RBI double kay Josh Donaldson si LA closer Raisel Iglesias bago kinumpleto ang kanyang 21st save.

May pitong no-hitters na sa MLB ngayong season, kapos ng isa sa big league record na nailista noon pang 1884. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.