Una sa Balita

Sandok bagong ‘raketa’ ni Nadal

0 371

SA panahon ngayong locked down ang lahat at tigil ang sporting events dahil sa coronavirus, tigil din sa bahay ang mga atleta.

Si tennis star Rafael Nadal, nasa bahay lang niya sa Mallorca, Spain.

Hindi raketa ang hawak niya ngayon kundi sandok. At kawali.

Nag-post ng photo sa Twitter si Nadal na nagluluto.

“Today it is also time to cook for me and my wife …” caption ng Spaniard.

Seryoso pa siya habang naghahalo.

Kaagahan ng buwan ay nasa Indian Wells, California na si Nadal para pumalo sana sa BNP Paribas Open.

Pero hindi na niya nagawang umpisahan ang paghahabol sa pang-apat na titulo sana sa desert dahil kinansela ng organizers ang tournament dahil sa virus.

Spain ang isa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Europe, kaya ipinarating din ni Nadal ang pakiusap sa lahat na mag-ingat manatili sa bahay.

“I hope you are all well and at home taking care of yourself. Strength and lots of encouragement,” paalala ng 19-time grand slam champion. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More