Una sa Balita

Sandiganbayan inupakan ni Morales sa mga binasurang kaso

By
0 711

BINIRA ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang Sandiganbayan dahil sa madalas na ginagamit nitong ‘inordinate delay doctrine’ bilang ‘excuse’ o alibi upang ibasura ang mga kasong isinampa ng kanilang tanggapan sa anti-graft court.

Ayon kay Morales, marami silang magagan­dang kaso na nauwi lamang sa pagkakabasura dahil sa gamit nitong doktrinang ‘inordinately delay’ bilang pagsunod sa mga alintuntunin ng Supreme Court (SC).

Nauna nang nagpetisyon sa SC si Morales upang alisin o baguhin ang mga alituntunin ukol sa naturang doktrina. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa umanong tugon ang SC.

Sa ilalim ng naturang doktrina, ang delay o pagkaantala ng proseso ng imbestigasyon ay pag­labag sa karapatan ng akusado para sa mabilis na paglilitis, kaya kailangan nang ibasura ang kaso.

Base sa datos, mula Enero 2016 hanggang Mayo 2017, lumitaw na 79 kaso ng Office of the Ombudsman ang ibinasura dahil sa ‘inordinate delay doctrine’, kabilang dito ang mga high-profile case katulad ng fertilizer fund scam at ang P6 billion Philippine National Construction Corporation-Radstock debt deal.