Una sa Balita

Sandigan justice, unang appointee ni PDU30

By
0 3

Magkakaroon na ng kauna-unahang appointee si President Rodrigo Duterte sa hudikatura matapos magretiro si Sandiganbayan Justice Teresita V. Diaz-Baldoz kahapon.

Nagsagawa ng special en banc session ang Sandiganbayan para sa formal ceremony at pagkilala sa nagretirong si Baldoz na chairperson ng Second Division ng anti-graft court. Si Baldoz din ang chairperson ng Gender and Deve­lopment Focal Point Committee ng Sandiganbayan.

Base sa proseso, lahat ng mga aplikante na gustong maging mahistrado ay mag-a-apply sa Judicial Bar Council (JBC) na binubuo ng Chief Justice, Justice Secretary, Justice Committee chairmen ng Kamara at Senado at tatlong iba pa.

Magsusumite ang JBC ng tatlong pangalan sa Pa­ngulo mula sa kinapa­nayam na mga aplikante na pagpipilian nito para italaga sa bakanteng posis­yon.