Una sa Balita

Sandara umeksena sa honeymoon nina Joross, Kathy

0 691

Sabi nila mahirap makakita ng tunay na kaibigan sa showbiz, pero parang hindi ito nag-a-apply kay Joross Gamboa na tila very close sa mara­ming kapwa niya artista.

Naikuwento nga niya sa “Tonight With Boy Abunda” na isinama niya ang K-Pop star na si Sandara Park sa honeymoon nila ng misis niyang si Kathy sa Japan.

“Sabi ko naman sa asawa ko, ‘Wag kang mag-alala ang honeymoon nasa loob lang ng kuwarto.’ Bonding lang kami. Magkakasama lang kaming tatlo roon,” kuwento ni Joross kay Tito Boy.

Hindi lang kay Sandara close ang direktor ng bagong iWant Original na “Allergy in Love,” kundi maging kay Kathryn Bernardo, na siya raw nagbigay ng pangalan sa anak niyang si “Baby Moon.”

John Lloyd dinamayan ng aktor

Ni-reveal din ni Joross na close siya sa kontrobersyal na aktor na si John Lloyd Cruz. In fact, minsan na itong nakitulog sa bahay nito. Kuwento niya, minsan silang ina­yang magpunta ng art gallery ng kaibigan nang alas-siyete nang umaga.

Aniya, “Nag-overnight kami sa kanila, siyempre, damayan lang ng trip. Wala kaming hilig talaga ni Ketch, pero at least natututo kami dahil sa kanya.”

Base sa mga kuwento tuloy ay parang kahit sino ay suwerteng maging kaibigin ni Joross. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy