Una sa Balita

SANDARA, MUKHANG BAMPIRA!  

By
0 124
Sandara Park

Ngayon din ang playdate ng One Step, ang Korean movie na tinatampukan ni Sandara Park. Unang ipinalabas ang One Step sa mga sinehan sa South Korea noong April 6, 2017.

Pinupuri ng Korean film critics ang official soundtrack ng One Step dahil magaganda ang ginamit na kanta sa pelikula. Ang Viva Pictures International ang distributor sa Pilipinas ng pelikula ni Sandara na idineklara noong 2012 sa Korea bilang

sa sa mga pinakamaganda na babae ng kanyang panahon.

“Vampire” ang tawag kay Sandara dahil sa kanyang youthful look at poreless face.

May mga nagsabi na nag-mature ang  itsura ni Sandara nang dumalo siya sa Manila  presscon ng One Step pero itinuturing sa Korea na perfect ang hugis ng kanyang mukha na tinawag na “the golden ratio” ng mga plastic surgeon dahil sa sukat na 1:1:0.8 kaya popular choice siya ng mga advertiser at consumer sa nasabing bansa.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More