Una sa Balita

SANDARA, HINAHANAPAN NG ‘DYOWA’ NI JOROSS!

By
0 174

Ang cute ng pinost na picture ni Joross Gamboa sa joint Instagram account nila ng kanyang Misis.

Magkakatabi silang apat na natutulog habang naka-sandwich ang isang taong gulang na anak na si Jace at ang bagong panganak niyang baby boy.

Hindi napigilan ng longtime friend na rin niya na si Sandara Park ang mag-comment sa naturang picture.

Isa pang nakakatuwa ang friendship nila na kahit nagkahiwalay na since si Sandara had her own career in Korea at masasabing big star naman na talaga, intact pa rin ang nabuo nilang friendship during Star Circle Quest.

Sabi ni Sandara, “Hindi makapaniwala na may dalawang babies ka na. So proud of u! Hehe Happy family.”

Sinagot naman ito ni Joross nang, “salamat yaan mo pagpi-pray namin ni Katz na makilala mo na ang “the one” mo. Para magkaroon ka na rin ng mga little krungys!”

Alam namin, nagpapaka-match maker rin si Joross sa kaibigan para nga raw mahanap na ang para rito.

Eh, kung tutuusin nga, halos karamihan if not all sa batch nila ay may mga asawa at anak na.

Anyway, sinabi rin ni Joross sa reply niya kay Sandara na,”see you this July hopefully.” Bilang balita ngang hindi pa ina-allow si Sandara na umuwi ng Pilipinas ng talent management niya sa Korea dahil sa gulo sa Marawi. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More