Una sa Balita

Sandara at Seungri lambingan- to-the-max sa Boracay

By
Sandara Park at Seungri
0 2,277

Oh well, ang latest post ni Sandara Park kung saan ay kasama niya ang miyembro ng Big Bang na si Seungri ay maaaring magtuldok na sa tsismis sa kanila ni Robi Domingo, huh!

Magkasama nga ang dalawang Korean superstars na naglamyerda­ sa Bocaray na mukhang naging perfect host dito ang nali-link kay Robi.

Sweet ding tingnan ang da­lawa, pero hindi sila ganu’n ka-clingy and yet, maaaring mag-spark ito ng tsismax na mukhang they’re singing beautiful songs together, noh!

Sa kaniyang DaraTV kung saan mala-travelogue ang dati­ngan ng kaniyang post, ay ipinagmalaki nga niya ang ganda ng Boracay na manghang-mangha pa rin siya sa likas na kagandahan nito.

Tuwang-tuwa naman si Seungri­ na ma-discover na isang big star dito sa ‘Pinas si Krung Krung dahil lagi itong sinusundan ng mga tao at pulis, samantalang siya raw ay ni isa ay walang tumawag sa kaniyang pangalan at walang nakakakilala.

Anyway, parehong tuwang-tuwa ang dalawa sa kanilang Boracay rendezvous na kung saan ay nag-DJ pa ang Big Bang member sa kasiyahan ng mga Pinoy audience.