Una sa Balita

Sancho hindi namamatay sa ‘Ang Probinsyano’

0 1,088

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyItinuturing ni Sancho delas Alas, panganay ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Las Alas, na suwerte siya at nanatili pa rin siyang nakatayo, buhay na buhay, sa action-drama teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Kahit si Sancho ay hindi rin alam kung bakit hindi pa siya natsutsugi sa nasabing top-rated show ng ABS CBN 2.

Sa guesting ni Sancho sa live streaming show namin ni Dondon Sermino, ang ‘Abantelliling’ nu’ng Huwebes nang hapon na napapanood sa Abante News Online-Facebook page at Abante Tonite YouTube channel, at pati na sa abante_tnt, sinabi mismo ng nanay niyang si Ai-Ai na masaya siya sa career ng anak dahil hindi pa ito namamatay sa ‘Ang Probinsyano’.

Natawa si Sancho sa mensahe ng ina, pero kahit siya nga ay hindi rin daw niya alam ang rason, kaya ganun na lamang ang pasasalamat niya kay Coco Martin sa pagmi-maintain ng character niya sa show.

Hindi naman kampante si Sancho sa kanyang posisyon sa show dahil may kaakibat na pagsusumikap at professionalism ang ipinupuhunan niya rito.
Hangga’t maari preparado sa kanyang karakter at laging maaga sa set si Sancho.

Nakikita niya raw kasi kung gaano ka-professional at kalaki ang malasakit ni Coco Martin sa nasabing pinagbibidahan niyang serye.

Lahat daw ng may kinalaman sa production ay hands on palagi ang aktor. Mula sa direksyon, sa script, set at kung anu-ano laging may partisipasyon ang award-winning actor.

Pagdating nga raw nito sa set, umiikot na agad ang utak nito sa kung ano ang nais niyang palabasin sa sinu-shoot nilang mga eksena. At kahit ang mga dayalog nila ay si Coco rin daw halos ang nagpo-provide.

Anyway, bata pa lang ay gusto na ngang mag-artista ni Sancho. Lumabas na siya sa isang show noon, pero pinatigil siya ni Ai-Ai para mag-focus sa paga-aral.

Ngayon ay nakatapos na ng culinary si Sancho at isa na siyang certified chef, naga-artista pa rin siya para lang sundin ang gusto ng kanyang puso.

Artista ang kanyang ina at isa namang thea­ter actor ang biological father niya, kaya dumadaloy talaga sa dugo ni Sancho ang paga-artista.

Well, wait niyo pa ang interview namin kay Sancho sa Abantelliling, at siguradong maaliw kayo, lalona sa eksena nila ni Abante Cutie, na gumanap bilang si Coco. Coco Langot.