Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Sancho galit’: Ai-Ai ‘tsinugi’ ng ogag na vlogger

0 117

Galit na galit ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho sa isang vlogger. Eh kasi nga, ‘pinatay’ ng naturang vlogger ang nanay niya.

“Gago!” ang matunog na tawag ni Sancho sa naturang vlogger, na walang pagkakakilanlan.

Anyway, makikita nga kasi ang thumbnail sa YouTube account ng naturang vlogger na kesyo ‘Pumanaw na ang aktres na si Ai-Ai delas Alas at hindi na naitago…’

“Sa totoo lang mga gago gumagawa nito. Na-stress ate ko dito at saka iba kong friends sa abroad. Ano ba napapala niyo sa paggawa ng ganito? Pamparami ng views (sa ganitong paraan?)

“Kung ano-ano na lang, namatay raw ako sa sakit na diabetes.

“Mga GAGO! 5-years na ko walang sugar sa katawan except fruits and coco sugar mga siraulo mangmang inutil! Buti nalang maganda ginamit nilang picture ko, kung hindi mas mababa pa sila sa inutil at mangmang! Hinulma sa tae ang kaisipan!” sabi ni Ai-Ai.

Kaloka!

Pokwang kakasuhan YouTuber

Isa pang biktima ng nakakasukang content sa YT ay si Pokwang. At hindi nga niya ito palalampasin.

“Grabe ‘yan at meron pa isa na magsasampa kami ng kaso dahil binugbog daw ni Papang Lee si Mae (anak ni Pokwang sa unang dyowa) kaya naghiwalay kami at nag-decide raw ako na dito na ulit tumira sa Pinas! Hahahahaaa kailan ako tumira sa Amerika?” hirit ni Pokwang.

Marami nga ang nagsabi kay Pokwang na panindigan niya ang pagdedemanda sa vlogger na `yon para madala. Maganda raw na may masampolan para matakot ang iba.

Anyway, may isa pang chika si Pokwang na tungkol naman sa isang producer na ‘ginago’ rin siya.

“Hello po… share ko lang ito ha para lumuwag na ang pakiramdam ko nang tuluyan. Bilang isang artista ‘di talaga maiwasan na napupulitika minsan haha. Pero ok na po ako, naka-move on na sa sakit, pero gusto ko lang ihinga for the last time.

“Bago mag-pandemic may isang indie movie na inalok sakin. So ako naman bilang gustong-gusto ko ang indie movie kaya tanggap agad at nagtungo sa isang lugar kung saan nag-screening pa, video etc. etc. with the young director ng movie.

“Nagkaiyakan na kami kuwentuhan pa lang about sa istorya ng movie at nadama ko agad ang kuwento dahil masakit sa totoong buhay.

“Natuwa si direk kaya sabi niya hindi na raw sila magpapa-audition at ako na nga raw ang gaganap. So, nag-wait ako anong ganap, hahaha!

“Wala nang balita, nabigay na sa iba kasi nagmamadali silang mag-roll na at ‘di na raw mahihintay ang sched ko! Huh? Konting adjust lang sana kung naghintay lang sana ang pakiusap dahil inaayos naman ang sched.

“Haaayyy, so sa madaling salita ‘di sakin napunta ang movie, sad! Pero ang mas nakakaloka dito ‘yung malaman mo na hindi naman daw ako ang first choice? Hahahaha!

“Sa kabila nang sinabi nila na walang audition na mangyayare dahil ako raw talaga ang bet ni direk! Ah ok p. Byyyeee!!!!” chika ni Pokwang.

Well, sabi nga, habang hindi mo natatapos ang isang pelikula, at nasa sinehan na, hindi mo talaga puwedeng angkinin.

Kaloka, di ba?

Shaira sa ‘I-Bilib’

Ngayong Linggo sa Ibilib ng GMA-7, mapapanood na nga ang bago at 100% na fresh episode nila. Ka-join nga ng award-winning host na si Chris Tiu si Shaira Diaz.

Ang mga dapat ngang malaman ay ‘can you turn on a led bulb using a piece of paper?’, ‘an you make a portrait of a celebrity using cheese, chocolate spread, and a cookie?’

At siyempre, nandiyan din ang amazing food art ni Jaypee Magno the ‘Bilibabol Palaman Artist’.

So, tutok lang ngayong umaga sa I-Bilib!

Leave A Reply

Your email address will not be published.