Una sa Balita

Sanchez nakaimpake na

0 496

ISKUP!

BAGO pa man ihayag na Department of Justice (DOJ) ang nakatakdang paglaya ng convicted rapist at murderer na si Ex-Calauan mayor Antonio Sanchez, nakahanda na umano ang kagamitan nito sa kanyang pag-uwi.

Ayon sa impormante ng Abante, noong nagdaang linggo pa umano alam ng dating alkalde na kasama siya sa 11,000 preso na gagawaran ng parole matapos mag-qualify sa Republic Act 10592 o batas na nagdagdag ng Good Conduct Time Allowanc­e (GCTA) para sa mga preso.

“Last week na-inform tungkol diyan at alam niya nga makakalabas siya Bilibid (New Bilibid Prison) this weekend,” kuwento sa Abante ng impormante na may kapatid sa NBP at matalik na kaibigan umano ni Sanchez.

Dahil sigurado na ang kanyang paglaya, agad nitong inihanda ang kanyang mga gamit na iuuwi sa kanyang tahanan sa Calauan kabilang ang rebulto ni Virgin Mary sa loob ng kanyang kubol.

“Inuna niyang ipabalot si Mama Mary at iba pang santo. Tapos ‘yung mga magaganda niyang damit na pinalagay niya sa mga maleta. ‘Yung iba ipinamigay niya sa ibang preso,” saad ng impormante.

Ang tarima o higaan niya gawa sa kahoy, kasama na ang kutson ay ibinenta niya sa isang high profile ding preso gayundin ang kanyang electric fan. “Wala naman siyang aircon, na-confiscate na ‘yun dati pa,” sabi nito.

Nag-uwi din umano ng ilang pasalabong ang dating Calauan mayor ng ilang mga souvenir na gawa ng mga kasama niyang preso.

“Ready na talaga ang gamit niya. Ready to go na siya. Sobrang excited niya. Lahat nga ng mga gamit nakabalot na, nakalagay na sa kariton. Kumbaga ready for pick up na,” kuwento pa ng impormante.

Subalit nang pumutok ang balitang tungkol sa kanyang paglayo, bigla na lang umanong kinum­piska ng mga jail officer ang kanyang gamit sa kanyang kubol dahil hindi matutuloy ang nakatakdang paglaya niya ngayong linggong itong.

“Siyempre sad siya. Sobrang excited niya itong araw tapos nasabihan nga siya na hindi na matutuloy, kayo ayun sobrang lungkot, hindi makausap. Yung mga binentang niyang gamit binawi niya,” ayon pa sa impormante.

Samantala, kinumpirma naman ng source na nagli-lipstick ang dating alkade subalit hindi raw ito nagsusuot ng palda tulad ng naunang napabalita sa media.

“Hindi totoo na nagpapalda siya. Lipstick pa at saka madalas naglalagay ng foundation. Kung ano-ano pinapahid niya sa mukha, mga pampaputi daw,” sambit pa ng source.

Hindi rin umano totoo ang akusasyon na nagbubuhay hari si Sanchez sa loob dahil wala naman itong pera at minsan pa ngayo’y nangungutang sa ilang high profile o mayayamang preso sa maximum security compound.

“Noong una, medyo may pera pa siya. Pero noong katagalan wala siyang pera. Nangungutang nga daw. High profile lang siya dahil kaso niya pero walang pera,” ayon pa sa source. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy