Una sa Balita

Sana manalo mga liyamado — karerista

0 266

HILING ng isang karerista na mag-liyamado sa karerahan ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Himutok ni Jobert Abelgas na nabutas ang bulsa niya nang magkadehaduhan nakaraang karera kaya nais nitong mag-liyamado naman para sila naman ang magtamasa.

“Kahit yung mga top three favourite ang mga manalo kahit paano masusundan ko, kapag sobrang dehado malamang hindi ko masisilip,” kuwento ni Abelgas na matagal nang karerista na nakatira malapit sa da­ting Sta. Ana Park.

Isa sa aabangan ng mga karerista ang Three-year-Old Maiden Race na ilalarga sa pa­ngatlong karera.

Markado ng mga liyamadista sina Golden Hook at Hot Legs sa event na may distans­yang 1,300 metro.

Makakaharap nina Golden Hook at Hot Legs sina One Of A Kind, West Lotus, Bonifacio at Kenkenrarabell para paglabanan ang added prize na P10,000 mula sa Phili­ppine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More