Una sa Balita

Sana humupa na ang Bulkang Taal

0 329

Dear Abante:

‘Di po namin akalaing ang masayang bakasyon po namin sa Tagaytay ay nauwi sa kalungkutan at pagkatakot nang bigla pong nagbuga ng malakas na usok ang Bulkang Taal at ang mga sumunod na pangyayari ay ‘di ko na matandaan dahil inunahan na ako ng takot at pangamba. First time ko kasing makasaksi ng mismong pagsabog ng bulkan dahil sa balita ko lang ito napapanuod.

Naaawa rin ako sa mamamayan na naapektuhan lalo na ang mga bata. Pasalamat lang talaga at agaran ang pagresponde at kahandaan ng mga kasundaluhan at kababayan natin upang mabilis na mailikas ang mga ­apektadong residente sa pagsabog ng bulkan lalo na at tumitindi na ang pagbasak ng ashfall na umabot na rin sa iba’t ibang lugar malapit sa Bulkang Taal.

Sana ay humupa na sa madaling panahon ang ­nangyayaring pagsabog ngayon ng Bulkang Taal. Nawa’y wala na sanang buhay ang mawala sa nangyayari ngayon at sana’y gabayan ng maykapal ang lahat ng mga ­kasundaluhan, pulis at ilan lahat ng mga kawani ng mga ahensiyang patuloy na nagsasagawa ng evacuation ngayon.

Romeo E. Alcoseba
Mexico, Pampanga

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More