Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Sana happy ending’: Hidilyn papasukin pagkanta

0 52

Feeling winner ng ‘Ginto’ si Direk Joven Tan dahil kay Hidilyn Diaz.

Yes, birthday nga ni Direk Joven, at isa sa mga bumati sa kanya ay si Tokyo Olympics 2020 Gold medalist Hidilyn Diaz, ha!

“Happy-happy birthday kay Direk Joven Tan. Sana po magawan niyo ako ng kanta na kasingganda ng ‘Anong Nangyari sa Ating Dalawa’,” sabi ni Hidilyn.

Ang ‘Anong Nangyari sa Ating Dalawa’ ay entry ni Direk Joven sa Himig Handog P-Pop Love Songs, na inawit ni Ice Seguerra.

Ginamit din ang kanta bilang theme song ng ‘Apoy sa Dagat’ teleserye ng ABS-CBN 2. At marami na ring singer ang gumawa ng version nila ng kantang ito, na sa totoo lang ay nakakaiyak sa tuwing naririnig mo.

Pero, heto pa ang pahabol ng chika ni Hidilyn:

“Pero sana hindi siya ano ‘yung ending… medyo malungkot. Gusto ko happy ending. Stay happy and happy birthday!” sabi ni Hidilyn.

So, bet pala ni Hidilyn na maging singer in the future, ha! At for sure, gagawan siya agad-agad ni Direk Joven Tan ng kanta na babagay sa isang bayani na tulad niya.

TVJ reunion sa EB iniyakan ng mga fan

Ang daming naluha sa 42nd anniversary ng Eat Bulaga, na ginanap sa mismong studio nila sa Marcos Highway (Antipolo, Rizal). Kasi nga, makalipas ang mahigit 500 na araw, muling nagsama-sama sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, sa tahanan ng Eat Bulaga.

Marso 2020 huling nakita ang TVJ sa APT studio ng Eat Bulaga. Kaya makasaysayan talaga ang kanilang ika-42 taon na selebrasyon.

Opening pa lang, na pinatutugtog ang theme song ng Eat Bulaga, bumungad sina Tito, Vic, Joey, at naluha na ang mga manonood.

“Nakakaiyak habang nanonood ako yung ramdam mo ang happiness na nag-reunite ulit ang TVJ,” sabi ni Julia.

“Naiyak ako sobra!” hirit ni Zinby.

“Nakakaiyak! Happy birthday Eat Bulaga. Sana maging maayos na para sama-sama na ulit ang Dabarkads sa studio!” saad ni Chie.

“Nakakaiyak. Masaya akong nakita sina Tito, Vic, Joey sa studio!” say naman ni Fely.

Anyway, marami pa ang nagpahayag ng kanilang kaligayahan na makitang magkakasama nga ang TVJ sa studio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.