‘Sana all’
“KUNG mag-utos siya kala mo ‘taga-Russia’ (rush) o ‘taga-Argentina’ (urgent) siya, hmp!”
Sa karanasan ko bilang coach at trainer, marami-rami na akong nasagap na “hugot” ng mga empleyado tungkol sa kanilang boss.
Sa katatapos ko lamang na training sa isang ahensya ng gobyerno, nasabi ko sa kanila na sa lalim at tagal na ng hugot nila sa kanilang amo ay baka naging “bubog” na ang mga hinaing nila.
“Dalawang taon ko na naipasa ang draft na pinagawa niya, hanggang ngayon ay ‘complicated’ pa rin ang status ng proposed policy na ‘to. Kailangan paulit-ulit?”, sabi ng isang participant.
Sigurado ako narinig n’yo na ang mga parehong linya na ‘yan mula sa inyong co-worker lalo na sa inyong pantry o sa comfort room.
Ayon sa pag-aaral, ang madalas na dahilan ng pagre-resign ng isang empleyado ay hindi ang maliit ng suweldo at kawalan ng benepisyo.
Ang may sala daw ay bad manager at poor management. Totoo ba ito?
Umaalis daw ang mga high performers sa kumpanya dahil nawalan na sila nang gana sa kanila sa kanilang “bisor”. Nagmumula ito sa hindi pagkakasundo sa trabaho at taliwas ba paniniwala sa mga bagay-bagay sa opisina.
Madalas din daw “sink or swim approach” lamang ang alam ng manager kaysa bigyan ng pagkakataon na mahasa ang leadership skills ng kanilang tauhan.
Related Posts
Nakakalimutan din daw ng manager ang secret sauce ng pag-engganya sa trabaho ay ang pagbibigay ng “shining moment” sa kanilang mga subordinate.
Bawat empleyado ay maging taglay na galing mula pa noon siya ay nag-apply sa kompanya na nais nyang gamitin para mag-enjoy habang nagtatrabaho.
Kahit sino ay ayaw din ang “toxic” na boss. Nakaka-stress at malamang ay magkasakit ka sa unhealthy environment na dulot ng masamang ugali ng iyong amo. Kapag mayroong temper problem at lagi ang posisyon niya at ang pagtanggal niya sa‘yo sa iyong trabaho o puwesto ang paraan niya sa pagma-manage, toxic na boss ‘yan.
Madalas na hindi siya patas sa kanyang mga desisyon at bastos sa kanyang kapwa kaya walang empleyado ang tatagal sa kanya.
Sana lahat ng manager ay matuto na tanggapin na kailangan din nilang baguhin ang kanilang management style. Maging motivator sila ng masisipag na empleyado na lalo pang magsikap.
Manatili rin sana na fair at professional ang lahat ng boss anomang oras at sinuman ang kaharap. Huwag sana mag-fly off the handle. Tao lamang ang kanilang mga empleyado at hindi kailangan na pahiyain at sigawan kung nagkakamali o kinukulang sa expectation ng kanyang amo.
***
Kung mayroong katanungan ukol sa Life Coaching o mayroong kuwento kayo na nais ibahagi, maaaring mag-email sa coachalextr@gmail.com o mag-text sa 0917-5332322. Si Alex “Lex” Rosete ay isang Certified Life Coach mula sa Life Coach Philippines. Isa rin siyang guro, trainer at consultant sa communication, human resources management at public administration.