Una sa Balita

San Vicente sakto sa ‘island hopping’; Air Swift suwabe ang serbisyo

By
0 269

Nabiyayaan akong makabalik for a working vacation sa lugar na pinag-uusapan ngayon na EL NIDO, sa Brgy. Corong VANILLA BEACH sa Palawan.

Muli kaming sumakay sa isang airline na pagmamamay-ari ng mga Zobel, ang AIR SWIFT. Talagang swift, mabilis ang boarding time, maiksi ang pila, biyahe, malinis at maayos ang mga crew at may sariling lounge at may libreng kape at konting meryenda pa. So saan ka pa?

***

At kung ikaw ay naghahanap ng mga bagong hotel na gustong subukan, i-try niyo ang Hotel LAGUN. Magandang makitungo sa guest ang staff and crew ng LAGUN. Malinis ang mga kuwarto, malamig ang aircon, bago ang mga kubre silya, towels, kama at fixtures ng banyo maganda.

Masarap ang kani­lang almusal, at ang menu sa dinner lalo na ang kaldereta, chopsuey at crispy pata.

At kung ikaw ay mahilig mag-island hopping, sakto ang San Vicente marami na ring mga bangka doon na puwedeng rentahan at pumunta sa mga isla.

Sa mga restaurant na ating nasubukan, kainang masarap ang Altrove na Italian cuisine. Kahilera ito ng Pops District na napapaligiran ng maliliit din na kainan.
Mayroon pang mga isla sa Palawan na tinatawag na mga “Last Frontier “ na mga isla na puwedeng ihambing o ‘di kaya mas maganda pa sa AMANPULO. Ito ay may whitesand na kasing pino ng buhangin sa Boracay at magubat na kapaligiran na maraming niyog at pandan trees.

Sa aking pag-snorkel, naka-enkuwentro tayo ng mga maliliit na black tip sharks sa mababaw na parte ng BOAYAN ISLAND, mga MATAMBAKA at iba’t ibang uri na de-color na isda. Patuloy din ang pag-rehab nila ng isla sa pamamagitan ng pagtanim ng CORALS at pagsunod sa NO FISHING ZONE.

Mga kababayan natin ay nananalangin na dumami pa ang flights sa San Vicente at bumaba ang presyo ng ticket.

Ikinatuwa ng ma­raming kababayan, negosyante, parokyano at dayuhan ang pagpunta ni Sec. Cimatu at Ma’am Berna Puyat Romulo sa El Nido.

Nagbigay sila ng mga babala sa mga non-compliant pagdating sa SEWERAGE TREATMENT PLANT at mga setback ng mga beachfront at sanitary system.

At para sa pagprotekta sa WETLANDS at FORESTLANDS. ­Tuluyan nilang pagmumultahin o isasara ang mga lalabag sa kanilang adhikain.

Sana sa susunod, Ang MANILA BAY at LAGUNA LAKE na tinaguriang largest sewerage system ng Pilipinas pagdating sa baho at amoy ang ayusin at pagtrabahuan. Sigurado dito ang daming MAKUKULONG o MASASARAHAN ng establishment.

Pinakamalaking ha­mon ito kina Sec. Cimatu at Miss Berna Romulo pagdating sa kalinisan at imahe ng ating bansa kapag ito’y natugunan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy