Una sa Balita

San Miguel wagi sa bidding ng Meralco

0 313

ANG San Miguel Corp. ni Ramon Ang at Phinma Energy Corp. ang nanalo sa isinagawang bidding ng Manila Electric Compan­y (Meralco) para sa supply ng 1,200 megawatts na baseload requirement nito mula December 26, 2019 hanggang December 25, 2029.

Ipina-bid ng Meralco ang kinukuha nitong kuryente matapos iutos ng Korte Suprema na idaan sa competitive selection process ang mga ito para mapababa ang presyo na babayaran ng mga consumer. Naging isyu din ang pagkuha ng Meralco ng kuryente sa mga sarili nitong mga kompanya at hindi na ito makipagtawaran para mapababa ang presyo dahil ito lang din ang kukubra ng lahat ng kita.

Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange kahapon, sinabi ng Meralco na sa Phinma Energy Corp. ito kukuha ng 200 MW, sa San Miguel Energy Corp. kukuha ng 330 MW, at sa South Premiere Power Corp. na San Miguel din ang nagkokontrol kukuhanin ang 670 MW.

Bukod sa baseload supply na 1,200 MW, nagpa-bidding din ang Meralco para sa 1,200 MW na sa 2024 pa kukuhanin na isa lang ang nagsumite ng bid at ng 500 MW para sa December 26, 2019 hanggang December 25, 2024.

Nanalo ulit ang South Premiere Power Corp. para magsuplay ng 290 MW para sa kabuuang 500 MW na pinabid para sa suplay hanggang December 25, 2024 at nanalo ulit ang Phinma Energy Corp para magsuplay ng 110 MW. Ang First Gen Hydro Power Corp. ng mga Lopez ang nanalo para magsuplay ng 100 MW.

Sabi ng Meralco, inisyuhan na nito ng Notice of Award ang mga nagwaging bidder matapos ang post qualification evaluation. Ang kani-kanilang power supply agreement ay dadaan pa sa Ener­gy Regulatory Commission (ERC) na siyang magpapatibay sa mga ito. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy