Una sa Balita

San Miguel ‘Super Team’

No. 2 slot na lang paglalabanan sa PBA

By
0 1,184

NAGING pangalawa si Beau Michael Vincent Belga tapos ni Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio na naging maboka sa mainit na isyu pa rin sa pagkaka-trade ni 3-time Philippine Basketball Association scoring champion Terrence Romeo sa San Miguel Beer.

Hindi man gayung kadirekta ang mga namutawi sa Rain or Shine ­center/forward, parehas lang ang laman ng ­mensahe niya sa naunang pitada ng Ginebra San Miguel combo guard.

“Malaking problema sa kompetisyon ang paglipat ni Terrence sa SMB mula TNT KaTropa, pero magandang problema para sa San Miguel,” ani Belga, 32.

Unang tinumbok ni Tenorio noong Sabado na tila 5-peat champion na ang Beermen sa Philippine Cup, na magtataas ng kurtina sa 44th PBA season sa Linggo, Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, at ang segundo puwesto na lang ang nakatakdang paglabanan ng 11 iba pang team sa pro league.

Parehas ng paniniwala sina Belga at Tenorio na super team na ang San Miguel dahil sa sobrang lalim ng bench ng star-studded line-up ng serbesa, at tila No. 2 slot na lamang ang paglalabanan ng ibang koponan.

“Parang runner-up na lang ang ­paglalabanan,” pakli ni Belga.

At lalo pang pinapuwersa sa pagda­ting ni Romeo na nakuha ng SMB sa pagkakaloob naman sa Texters kina Brian Heruela, David Semerad at future 1st round pick.

Bumubuo sa core ng Beermen sina 4-time Most Valuable Player June Mar Fajardo, former MVP Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter.

Aminado naman si Beermen coach Leo Austria. Pero giniit na sa papel pa lang ang kanilang pagiging super team.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy