Una sa Balita

San Miguel may ilulunsad na bagong inumin

0 215

ANG San Miguel, na kilala sa serbesa o beer at gin ay nakatakdang maglabas sa merkado ng bagong produktong unumin.

Ang nasabing kompanya na higante sa likod ng mga ­pamilyar na mga delatang kalakal, beer ay nagbabalak ng isang segment na may wine.

May projection ang Wine Brothers Philippines General Ma­nager na si Jonathan Nisperos na nakakakonsumo ng 24 milyong litro ng alak ang Pilipino sa isang taon, na may rate ng paglago ng walong ­porsiyento hanggang siyam na porsiyento kada taon.

Ang Australian wine na dinadala ng San Miguel sa bansa ay swak.

Ilang taon na ang nakalilipas, nang simulan ng ­packaging arm ng San Miguel. ­Bumili ang San Miguel ­Yamamura ­Australasia ng sariling mga pasilidad sa ­pagpuno ng alak sa ­Australia na ­nagpapahintulot sa kanila na kumuha ng mga kliyente, ­karamihan sa mga ­kompanya ng alak na walang sariling mga kagamitan sa bottling.

Mayroong tatlong klase ang mga wine na ­ibenebenta: rosé, red blend of ­Cabernet Sauvignon, Merlot, at isang ­puting ­Sauvignon Blanc. May plano din na maglalabas pa ng mas ­maraming mga varieties. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy