Una sa Balita

San Miguel may ₱1B donasyon sa Tullahan River cleanup

By
0 556

MAGKAKALOOB ng isang bilyong piso ang San Miguel Corporation (SMC) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa malawakang paglilinis ng Tullahan River bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Opisyal na sinelyuhan ang pangakong suporta ng SMC sa DENR matapos lumagda kahapon sa isang memorandum of agreement (MOA) sina DENR Secretary Roy Cimatu at SMC President and Chief Operating Officer (COO ) Ramon S. Ang bilang hudyat ng kanilang opisyal na pagsasanib-puwersa sa gagawing paghalukay at pag­lilinis sa 59.24-kilometrong ilog na nag-umpisa mula sa La Mesa Reservoir at tumatagos sa mga lungsod ng Valenzuela at Malabon bago lumagos sa Manila Bay.

“We are proud to partner with the DENR on this project. In the last couple of months, we have seen what can be done when our government has both political will and a clear understanding of what can be done to make a difference,” dagdag nito.

Aniya, ang kanilang pagsasama ang perpektong halimbawa na maisasakatuparan ng gobyerno at pribadong sektor ang isang isang proyekto, gaano man ito kalaki o kaambisyoso.

Sa ilalim ng limang taong kasunduan, kasama sa tungkulin ng SMC ang pagpapatupad ng dred­ging at clean-up plan mula sa DENR para mabawasan ang mga basura at lumulutang na mga debris sa tubig.

Kabilang din dito ang pagpapahiram ng mga kagamitan, manpower at pagpopondo para sa iba pang equipment operation tulad ng fuel at iba pang bayarin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy