Una sa Balita

San Miguel Beer sulit kay Romeo

0 526

STARTER si Terrence Romeo noong nasa NorthPort at TNT pa, sa Batang Pier ay siya pa ang pangunahing opsiyon sa opensa.

Mula nang pumasok sa PBA noong 2013 bilang 5th pick overall ng Batang Pier, tatlong sunod na seasons (2015-17) na naging Scoring Champion ang 28-anyos na guard mula FEU.

Mula KaTropa, nalipat si Romeo sa San Miguel Beer bago ang 2019 season.
Loaded ng guards ang Beermen, sa unang pagkakataon sa career ay nawala sa starting lineup si Romeo.

Sa unang season niya sa SMB, matikas na nagampanan ni Romeo ang role off the bench. Bawat minutong binibigay sa kanya ni coach Leo Austria, sulit na sulit.

Instrumento si Romeo sa kampeonato ng Beermen sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, siya pa ang tinanghal na Finals MVP ng nakaraang midseason conference.

Kay Romeo igagawad ang Mr. Quality Minutes award ng 2019 PBA Press Corps Awards Night.

Unang naka-iskedyul ang awarding noong March 16, pero dahil sa sa coronavirus ay kinansela pansamantala. Gaganapin sana ito sa Novotel Manila sa Araneta City at ie-ere ng Cignal TV. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More