Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

San Mateo napuno ng namamalimos

0 163

Makikita sa kalsada ng Brgy. Banaba sa San Mateo, Rizal ang mga residente na namamalimos ng pangkain, damit at kumot matapos malubog at masira ang kanilang mga bahay dahil sa Bagyong Ulysses.

Nanghihingi ng limos sa mga dumadaan na sasakyan o mga tao ang mga naapektuhang residente, kung saan ang ilan ay sa gilid na ng kalsada natutulog habang katabi ang mga nasalbang gamit.

Sinabi ni San Mateo, Rizal Acting Mayor Rafael ‘Paeng’ Diaz na 10 sa 15 barangay sa munisipalidad ang nalubog sa baha dahil sa matinding ulan.

Umaasa naman si Diaz na papayag ang konseho sa hiling iya na isailalim sa state of calamity ang San Mateo para agad nilang magamit ang kailangan na pondo para sa pagtulong sa apektadong residente.

“Subsided na po ang baha pero iniwan naman nito ay putik. Mayroong wala nang babalikan ang ilang residente na bahay dahil nasira ang mga bahay,” sabi ni Diaz habang pinipilit nilang mabigyan ng tulong ang lahat ng apektadong residente. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.