Una sa Balita

San Lazaro host ng Bagatsing Cup

0 197

MAGSISILBING host ang nangungunang horse racing club ng bansa, ang Manila Jockey Club, Inc., sa 11th edition ng Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Cup Racing Festival Agosto 17 at 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Isasagawa ang event bilang pagpupunyagi kay former Manila Mayor Ramon D. Bagatsing, Sr. na nagtatag ng organisasyon na ang premyadong misyon ay tulungan ang mga may karamdaman at alalayan ang mahihirap.

Ang kikitain sa nasabing karera ay aayuda sa mga proyekto ng KABAKA Foundation, Inc.

Ipinagpapatuloy ng pamilya Bagatsing ang pagtulong sa mga Manilenyo kung saan ang kanilang patriyarka ay umayuda na sa higit 50,000 residente.

Sinimulan ng mga anak ng mayor ang pakarera taong 2009. Bilang mga longtime horse owner at breeder, tinitiyak nina former Manila Congressmen Amado S. Bagatsing at Ramon S. Bagatsing, Jr., na magpapatuloy ang event taon-taon.
Sa 16 na karera, dalawa ang magsisilbing headliner. Una ang Resorts World Manila Challenge of Champions­ tampok ang mga four-year old and above local at imported horses sa layong 1,750 metro.

Tampok dito ang mga kabayong sina Hitting Spree, na siyang defending Challenge of Champions winner; at imported entry na si Viva Morena, na kailan lang tinalo si Hitting Spree. Kasali rin sina Certain to Win, Und Kantar, at Pangalusian Island.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy