Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

San Juan tuloy ang ayuda sa MECQ

0 377

Sinimulan ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang pamahahagi ng panibagong wave ng ayuda sa gma residente nito sa 21 barangay na apektado ng pagbabalik ng National Capital Region at ilang kalapit na probinsya sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Mayor Francis Zamora sa loob ng apat hanggang limang araw ay inaasahang makokompleto na ang pagde-deliver sa relief assistance na naglalaman ng bigas, canned goods, at noodles na dadalhin sa bahay ng mga residente.

Hinimok ng alkalde ang mga nasasakupan na manatiling sumunod sa physical distancing sa oras ng pamamahagi ng ayuda at makibahagi sa tugon ng pamahalaan laban sa pandemya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.