Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

San Juan pinadali rehistro sa pagbakuna

0 59

Mas pinadali ang pagpaparehistro sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19 sa San Juan City matapos isulong ang Vaccine Information Management System-Immunization Registry (VIMS-IR) mula sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, napili ng DICT sa pamumuno ni Sec. Gringo Honasan kasama si Sec. Vince Dizon, na isulong ang VIMS-IR sa lungsod dahil nakita umano na organisado ang pagpapatupad ng pagbabakuna na ginagawa sa FilOil Flying V Centre, kung saan nasa 20 minuto kada tao ang ave­rage na oras ng ginagawang proseso sa registration.

Sa pamamagitan ng paggamit ng VIMS-IR, mas mapapadali ang registration ng 10 minuto kada tao bago mabakunahan. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.