Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

San Juan may solar power bike pit stop na

0 164

Itinayo sa San Juan City na isang a bike-friendly city ang kauna-unahang solar-powered bike pit stop na magsisilbing check-up point ng mga siklista na nais ipa-check ang kanilang mountain bikes na matatagpuan sa Pinaglabanan St.

Katuwang ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang Allianz PNB Life na tumulong para maitayo ang kauna-unahang solar-powered bike pit stop, kasabay na rin ng pagbubukas ng Historical Bike Tour, paglalagay ng 1,000 LED Lights at 500 bollards sa mga kalsada at ang Bike Sharing program para sa mga empleyado ng city hall.

“Gusto natin maging maliwanag ang Makabagong San Juan para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. para kahit maglalakad or mag-bike tayo sa gabi, safe tayo! ‘Pag mas maliwanag ang mga kalye, mas bumababa ang bilang ng krimen”, ayon sa alkalde.

Ayon kay Zamora, ang solar-powered pit stop ay isang bike repair station na may kumpletong kagamitan para sa pangangailangan ng mga nasiraang bikers kasabay nito ang pag-ikot sa mga most historic sites ng San Juan kabilang na ang Pinaglabanan Shrine, Museo ng Katipunan/ El Deposito Museum/El Deposito Underground Tunnel, St. John the Baptist Parish, Santuario del Santo Cristo, Club Filipino, at Greenhills Shopping Center Loop.

Nagpalabas din ng ordinansa ang San Juan na paglalaan ng bike racks at parking facilities sa parking lots habang mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng bikers’ safety gears para sa kaligtasan ng mga bikers.

Samantala, nasa 105 bisikleta naman ang nakalaan para sa mga empleyado ng city hall na puwedeng hiramin para magamit ng lingguhan pagpasok at pag-uwi.

Layunin nito na makamenos sa gastusin ang mga empleyado at ligtas pa ang kanilang kalusugan dahil isa itong exercise kaya naman hinihikayat ni Mayor Zamora ang mga empleyado na gawin ang bike to work program na isang ligtas na paraan at eco-friendly pa. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.