Una sa Balita

San Jose Chess susugurin — Asi

0 199

TIYAK na dadayo ang mga malulupit na woodpusher sa Occidental Mindoro para lahukan ang 2019 Pistang Parangal Kay San Jose Chess Festival Team Tournament na gaganapin sa Abril 28 sa San Jose Municipal Gymnasium.

Dahil sa mara­ming mahilig maglaro ng chess at laki ng premyo, umaasa si Mindoro chess organizer Emmanuel Bandelaria Asi na dadayuhin ang kanilang chess tournament.

Ayon kay Asi, ang mga kategoryang paglalaba­nan ay ang Open division (average rating 1950, 4×4 Team tournament) at elementary division (13 years old and below).

May cash prizes na naghihintay sa one-day tournament na may basbas ng National Chess Fe­deration of the Philippines.

Nakalaan sa Open division ang P30,000 plus trophy habang ang next four finishers ay tatanggap ng tig P20,000, P10,000, P5,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod.
Hahamig din ang sixth hanggang 10th placers ng tig P1,000.

Ang magkakampeon sa elementary division ay mag-uuuwi ng P3,000 habang ang runner-up ay magsusubi ng P2,000, may P1,000 sa third placer habang tig P500 at P300 ang sisiluhin ng fourth at fifth placers ayon sa pagkakasunod. 

May consolation na tig P100 ang sixth hanggang 10th placers.

Maagang nagpatala sa event na may 15 minutes with 5 seconds delay, 7 Rounds Swiss System format ang Mamburao Team, Occidental Heroes, Calapan A, Calapan B, OMSC – Men, OMSC – Women, Magsaysay, Team Batang 90s at PRISAA Team. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy