Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

San Felix ng Nola, ‘Spiderman’ ng Simbahan!

0 228

Ipinagdiwang kamakailan(Enero 14) ang Pista ni San Felix ng Nola na binansagang ‘Spiderman’ ng Simbahan. Si Felix ay isinilang sa Nola na matatagpuan sa Naples, Italy. Nang mamatay ang kanyang ama, ipinamahagi ni Felix sa mga dukha ang kanyang mana, pumasok sa seminaryo at ginawang paring katuwang ng kanyang Obispo na si San Maximo.

Noong panahon ng pag-uusig ni Decius sa mga Kristiyano (c. 250) tumakas sa disyerto si Maximo kaya si Felix ang hinuli at ikinulong. Ayon sa kuwento, pinakawalan siya ng isang anghel at dinala kay Obispo Maximo na kanyang ibinalik sa Nola. Maging sa pagkamatay ni Decius, patuloy pa ring tinugis ang paring si Felix ng mga awtoridad.

Ayon sa alamat, dalawang beses itinago ng mga gagamba si Felix sa kanyang pagtakbo sa mga tumutugis sa kanya. Sa isang bakante at lumang gusali nagkubli ang puganteng pari. Nasarahan ng mga sapot ang abandonadong edepisyo kaya’t inakala ng mga sundalo na walang tao ang lugar. Taong 251 noong mamatay si Decius at natapos pansamantala ang persekusyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang pumanaw ang Obispong si Maximo, hinirang si Felix ng mga taong-bayan bilang kahalili nito subalit tinanggihan niya ito at sa halip ay si Quintos, isang nakatatandang pari ang nahirang na bagong Obispo ng Nola. Gingugol ni Felix ang nalalabing buhay sa pagsasaka ng isang maliit na lupain at ibinahagi sa mahihirap ang bunga ng Kanyang taniman.

Pumanaw si Felix taong 255 sa ilalim ng bagong pag-uusig sa mga Kiristiayano ni Emperador Valerian (253-260). Gayunman, may paniwala na naabot niya ang advanced age at namatay sa katandaan. Mabilis kumalat ang debosyon sa kanya sa Naples. Maging si Paulinus Obispo ng Nola (Siglo V) ay sinabing pinagaling ni San Felix sa kanyang karamdaman.

Kwento ni San Paulinus, narinig niya isang araw ang isang magsasakang nanalangin sa sa puntod ni San Felix, “Ibalik mo sa akin ang mga nawawala kong mga hayop, hindi ako tatanggap ng kapalit!” Pag-uwi, nakita nito ang kanyang mga nawawalang alaga safe and sound sa kulungan. Dahil dito, naging sikat si San Felix bilang eksperto sa mga nawawalang hayop.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.