Una sa Balita

SAN BEDA MINASAKER ANG EAC

By
0 5

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Football Field)
9:00 a.m. — Arellano U vs St. Benilde (srs)
11:00 a.m. — San Beda vs LPU (srs)
1:00 p.m. — Mapua vs EAC (srs)

Minasaker ng San Beda ang Emilio Aguinaldo matapos ilista ang 10-0 panalo sa 92nd NCAA seniors football tournament sa Rizal Memorial Football Field sa Manila.

Kumana si Ralph E­stephen Abriol ng hat trick sa second, fifth at 17th minute para itarak ang easy victory ng Red Booters at samahan ang College of Saint Benilde sa second spot tangan ang tig 12 points.

Abante Hiring – IT dep

Tumulong din sa opensa sina Aljo Paul Zabala at Nimrod Balabat para kumpletuhin ang lopsided triumph para sa San Beda, na may league’s most title squad na 37 t­itles–21 sa seniors’ division at 16 sa juniors play.

Kinalos ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines, 2-1 para hablutin ang solo lead.
Nanaig naman ang St. Benilde sa Perpetual Help, 4-0.

Kahit nanalo, hindi pa rin gaanong nasiyahan si San Beda coach Michael Pediamonte sa ipinaki­tang tikas ng kanyang mga bataan.

“I was hoping we could match the 13 goals St. Benilde scored against EAC because we knew it would matter in the end,” saad ni Pediamonte. “We had so many chan­ces to do that but we just couldn’t convert.”

Nasalap ng Generals ang pangatlong sunod na talo.