Una sa Balita

Sampalan na! National Slap Your Annoying Coworker Day ngayong Oktubre 23

0 393

Handa na ba ang mga kamay at pisngi mo, workmate?

Tuwing Oktubre 23, ginaganap ang hindi opisyal na holiday na National Slap Your Annoying Coworker Day.

Pwedeng manampal ng isang tao kada isang oras, pero pwede ring manampal sa kada offense. Tiyakin lang mag-ingat dahil hindi lahat, pwedeng sampalin.

“If your supervisor tries to intervene, you can slap him/her, too — just bear in mind there may be consequences,” saad ng National Today.

Dineklara ito ng website na National Today, at unang hinango sa pagsampal ng teenager na si Ann Blyth sa nanay niyang si Joan Craford sa pelikulang “Mildred Pierce” noong 1945.

Ilan sa mga nirekomendang gawain ngayong araw ng website ay pagsasanay ng estilo ng pagsampal at pagsasanay sa ibang katrabaho kung paano manampal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy