Una sa Balita

Sampaguita Stakes Race, inaabangan ng karerista

0 200

SA darating na Linggo na magku-krus ang landas nina Princess Eowyn at Trust Me sa 2019 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tiyak na markado sina Princess Eowyn at Trust Me sa event na may P2M premyo na ikakalat sa top four finishers.

Ang ibang kalahok sa 1,800-meter race ay sina Cerveza Rosas, El Debarge, Doktora, Good Voyage at Heiress Of Hope.

Ayon kay Perlito De Leon na isang beteranong karerista, maganda rin ang performance ng mga makakalaban nina Princess Eowyn at Trust Me kaya paniguradong magandang karera ang masisilayan ng mga karerista.

“Si Heiress Of Hope puwedeng makatsamba ‘yan, may galing din ‘yan,” ani De Leon.

Nakalaan ang tumataginting na P1.2M sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta, may P450,000 sa second placer habang hahamigin ng third at fourth ang P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ang P20,000. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy