Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Samar nalubog sa baha

0 258

BINAHA ang ilang barangay sa bayan ng Lavezares sa Northern Samar nitong nagdaang Lunes.

Sa report, pinasok ng tubig ang mga bahay nang muling bumuhos ang ulan. Dahil basa na ang mga lupa ay mabilis naipon ang tubig.

Binaha rin ang ilang bahay sa barangay Rosario at lumubog ang mga pananim na palay.

Simula Lunes ng umaga, binaha na ang 8 barangay sa bayan ng Naujan.

Sinabi naman ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Joery Gelario, nataon na umapaw na rin ang Tubig River kaya bumaha.

Sa bayan ng Baco, umabot na sa 16 ang barangay na binaha, ayon kay Mayor Reynaldo Marco.

Umabot hanggang dibdib ang baha sa highway sa barangay Sta. Rosa. Marami ang na-stranded sa bayan ng San Teodoro at Puerto Galera. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.