Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Samar most wanted, nakorner sa Cavite

0 244

NATUNTON sa Cavite ang tinaguriang No. 2 Most Wanted Person, Provincial Level ng Eastern Samar Police Station matapos magtago sa Gen Trias City, Cavite Biyernes ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Geron Beros y Sanchez, 29, may-asawa, construction worker at residente ng Brgy Navarro, Gen TRias City, Cavite.

Sa ulat ng Gen. Trias CPS, nakipagkoordinasyon ang Police Intelligence Unit (PIU) ng Eastern Samar Police Provincial Office, PRO 8, Dolores MPS sa Gen Trias City Police matapos makatanggap ang una ng impormasyon na umano’y nagtatago ang suspek sa Cavite.

Sa bisa ng warrant of arrest, alas-12:20 kamakalawa ng hapon nang isilbi ito sa kinaroroonan ng suspek sa Brgy Navarro, Gen Trias City, Cavite na kanyang ikinaaresto.

Si Beros ay wanted dahil sa kasong murder. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.