Una sa Balita

Samar dapa kay ‘Ambo’, 4 patay

0 312

Humiling ng tulong ang lokal na pamahalaan ng isang bayan sa Eastern Samar na matinding naapektuhan ng nagdaang bagyong ‘Ambo’ noong mayo 14.

Sa isang panayam sa radyo, umapela ng tulong si Jipapad Mayor Benjamin Ver sa national at provincial government para sa supply ng pagkain at tubig ng mga nasasakupan nito.

Aniya, wala umanong electric supply, at sira ang linya ng komunikasyon sa kanilang lugar dulot ng bagyo. Dagdag niya, sa pagdaan ng bagyo, umabot umano sa dalawang palapag ng bahay ang baha at naapektuhan nito ang halos lahat ng barangay sa bayan.

Dahil din sa bagyo nakapagtala ng apat na nasawi, dalawa mula sa bayan ng San Policarpio at dalawa rin sa Oras.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More